Thursday, January 10, 2008

ang nailigtas na goldfish

isang hapon, galing sa pagpupulong ng kung anik anik kong mga kinapapabilangang organisasyon, nagmamadali akong umuwi para isorpresa si buknoy sa dala-dala kong gold fish na masayang lumalangoy sa isang munting fishbowl.

tuwang tuwa ang kumag, isang malaway-laway at matunog na halik ang aking naging gantimpala! dahil sa pagod, sandali kong iniwan ang batang manghang-mangha pa sa natanggap na sorpresa, para magbihis ng pambahay na suot at maghanda para sa hapunan. ilang minuto rin ang kinain, nahiga pa kasi ako sandali para makabuwelo at makapahingang kaunti. lumabas na ako ng kwarto pero namangha naman ako sa nasilip kong eksena sa lamesa kung saan nakalapag ang fishbowl, kung saan ko iniwan ang batang makulit.

hawak ni jahred ang isang goldfish at akmang inilalabas ng fishbowl, sa di naman kalayuan nakalapag ang isang kakawag kawag pang goldfish na nauna na niyang naiahon.

"hoy, anak, anong ginagawa mo?"

"sinasave ko po yung fish mommy, baka kasi malunod!"

--------------------------------------------------------------------
ang araw na nagbibigay ng liwanag sa agila ay siya ring nakabubulag sa kuwago.
--------------------------------------------------------------------
di lahat ng makakabuti sa iyo, ay makakabuti na rin sa kapwa mo... palagi kang maging sensitibo sa pangangailangan ng kapwa mo indibidwal...

Monday, January 7, 2008

nawawalang holen

hays napagod ako sa maghapon ko kanina, pero excited pa rin akong umuwi... hindi dahil sa apat na taong anak ko kundi sa bagong sanggol na kakaire ko palang nitong nagdaang gabi lamang... hanlupit noh, pagkapanganak tayo agad... ahha...

hindi naman kasi bata ang inire ko... kungdi...

ang bagong bahay na ito... ang blog na ito...

malayo pa lang namataan ko na ang unico hijo ko, handumi na ng mukha sa pinaghalong alikabok at luha... nawawala daw kasi yung holen niya... haru ang ina... nakihanap na din... sa bakuran malapit sa pinto ng bahay... ambigat pa naman ng bag kong may lamang laptop... lumipas ang isang oras... parang napalitan na ng inis ang lambing ko sa bata... eh saan mo ba naman nawala... saka ko lang natanong... ano ba nangyari bago nawala... san ka galing? ha?... sunod sunod sunod, parang soco agent...

sabay sagot, sa kwarto po nawala...

natampal ko ang sarili kong noo eh...

sabay pasok sa bahay... dire-direcho... nilagpasan ang kusina... sala... tuloy-tuloy sa kwarto naming mag-ina... sipat dito... sipat duon... at ayun nga... voila! ang holen ng kumag nasa isang sulok sa isa sa poste ng kama sa ilalim...

inabot ko sa kanya at nakakawala ng pagod ang kanyang malaway-laway na halik... mommy thanks! i love you!...

naisip ko siyang tanungin...
e bakit ba dun ka naghahanap?...
dun kasi may liwanag mommy eh...

-------------------------------------

hanapin mo ang Diyos kung saan mo Siya naiwala...
hanapin mo ang sarili mo kung saan mo siya naiwala...

nakakalimutan nating pasalamatan ang Diyos pag bumubuhos sa atin ang biyaya... nakakaligtaan nating ang mga ito ay Kanyang pagpapala... at sa proseso... naiwawala natin Siya... saka darating ang mga problema... at duon tayo saka naman nagtatanong... duon tayo... saka naman naghahanap... nasasaan ang Diyos?

saan ba natin Siya naiwala... tiyak duon natin Siya... matatagpuan...

COUNT YOUR BLESSINGS...