Monday, January 7, 2008

nawawalang holen

hays napagod ako sa maghapon ko kanina, pero excited pa rin akong umuwi... hindi dahil sa apat na taong anak ko kundi sa bagong sanggol na kakaire ko palang nitong nagdaang gabi lamang... hanlupit noh, pagkapanganak tayo agad... ahha...

hindi naman kasi bata ang inire ko... kungdi...

ang bagong bahay na ito... ang blog na ito...

malayo pa lang namataan ko na ang unico hijo ko, handumi na ng mukha sa pinaghalong alikabok at luha... nawawala daw kasi yung holen niya... haru ang ina... nakihanap na din... sa bakuran malapit sa pinto ng bahay... ambigat pa naman ng bag kong may lamang laptop... lumipas ang isang oras... parang napalitan na ng inis ang lambing ko sa bata... eh saan mo ba naman nawala... saka ko lang natanong... ano ba nangyari bago nawala... san ka galing? ha?... sunod sunod sunod, parang soco agent...

sabay sagot, sa kwarto po nawala...

natampal ko ang sarili kong noo eh...

sabay pasok sa bahay... dire-direcho... nilagpasan ang kusina... sala... tuloy-tuloy sa kwarto naming mag-ina... sipat dito... sipat duon... at ayun nga... voila! ang holen ng kumag nasa isang sulok sa isa sa poste ng kama sa ilalim...

inabot ko sa kanya at nakakawala ng pagod ang kanyang malaway-laway na halik... mommy thanks! i love you!...

naisip ko siyang tanungin...
e bakit ba dun ka naghahanap?...
dun kasi may liwanag mommy eh...

-------------------------------------

hanapin mo ang Diyos kung saan mo Siya naiwala...
hanapin mo ang sarili mo kung saan mo siya naiwala...

nakakalimutan nating pasalamatan ang Diyos pag bumubuhos sa atin ang biyaya... nakakaligtaan nating ang mga ito ay Kanyang pagpapala... at sa proseso... naiwawala natin Siya... saka darating ang mga problema... at duon tayo saka naman nagtatanong... duon tayo... saka naman naghahanap... nasasaan ang Diyos?

saan ba natin Siya naiwala... tiyak duon natin Siya... matatagpuan...

COUNT YOUR BLESSINGS...

3 comments:

BURAOT said...

ang lahat ng bagay ay magkaka-ugnay. kung kaya kahit holen ng bata maaari ding ikonekta sa kaluwalhatian. hehehe.. malalim kang bata ka.

aleida said...

^_^ hindi na ako bata. andami ko na pong napaBULA... ^_^ (haha)

BURAOT said...

mukha ngang madami ka nang napabula ang bibig. wahahah.

"dyosko, wag sana akong mapabilang doon sa kanila.."

nyahahhahaha!