Thursday, January 10, 2008

ang nailigtas na goldfish

isang hapon, galing sa pagpupulong ng kung anik anik kong mga kinapapabilangang organisasyon, nagmamadali akong umuwi para isorpresa si buknoy sa dala-dala kong gold fish na masayang lumalangoy sa isang munting fishbowl.

tuwang tuwa ang kumag, isang malaway-laway at matunog na halik ang aking naging gantimpala! dahil sa pagod, sandali kong iniwan ang batang manghang-mangha pa sa natanggap na sorpresa, para magbihis ng pambahay na suot at maghanda para sa hapunan. ilang minuto rin ang kinain, nahiga pa kasi ako sandali para makabuwelo at makapahingang kaunti. lumabas na ako ng kwarto pero namangha naman ako sa nasilip kong eksena sa lamesa kung saan nakalapag ang fishbowl, kung saan ko iniwan ang batang makulit.

hawak ni jahred ang isang goldfish at akmang inilalabas ng fishbowl, sa di naman kalayuan nakalapag ang isang kakawag kawag pang goldfish na nauna na niyang naiahon.

"hoy, anak, anong ginagawa mo?"

"sinasave ko po yung fish mommy, baka kasi malunod!"

--------------------------------------------------------------------
ang araw na nagbibigay ng liwanag sa agila ay siya ring nakabubulag sa kuwago.
--------------------------------------------------------------------
di lahat ng makakabuti sa iyo, ay makakabuti na rin sa kapwa mo... palagi kang maging sensitibo sa pangangailangan ng kapwa mo indibidwal...

2 comments:

BURAOT said...

tama naman si busnong pnganay, baka malunod. profound mo talaga. ilang taon ka na ba talaga? lols!

aleida said...

hehehe ^_^ kawawang goldfish isa lang ang naisave ko hehe... yung kakawag kawag bumigay eh... tsk...

sana ang susunod kong topic di na madawit si jahred hehe...